Sunday, September 24, 2017

TUNAY NA KAIBIGAN

Kasama ng tao ang kaibigan na bahagi ng buhay na ginagalawan.
Ngunit paano maituturing na kaibigan ang malapit sa yo?
Maraming salamin at katibayan upang matanto ang tao kung kaibigan o simpleng kakilala lang.
Ang tunay na kaibigan ay ang nasa iyong tabi kung Ikaw ay nasa pighati, nasa ilalim at baon sa bigat ng mundo. Kahit nasa malayo ay ang kapakanan ang kanyang iniisip.
Lagi nang sinasabi na ang kaibigan ay hindi tunay kung ito ay nakadikit lang kapag may kailangan. Ginagamit lang ang kahulugan nito ngunit lihis.
Masusukat mo ang kanyang intensyon kapag Ikaw ang nangailangan ng tulong at pagdamay.
Ang mahalaga ay naghahangad at gumagawa siya ng paraan para mailabas mo kung ano ang talagang ikaw. They bring out the best in you.
Walang inggit, walang kompetisyon at walang selosan.
Ikaw, may kaibigan ka ba?

No comments:

Post a Comment