Monday, September 18, 2017

BATANG LANSANGAN

Hindi masakit sa mata ang mga batang nanghihingi ng limos sa lansangan.
Masakir ito sa puso, sa damdamin at hamon sa realidad.
Sistema nga ba ito o kasalanan  ng mga magulang.
Hindi dapat pagtalunan kung sino ang dapat sisihin.
May ugat ito  na dapat silipin at bigyan ng pansin para sa magandang solusyon.
Nakakaawa ang mga bata na inilalagay ang buhay sa panganib para mabuhay.
Kumakatok sa salamin ng mga sasakyan, umaangkas sa jeep at nakikipagpatintero sa mga sasakyan para umabot ng konting awa na magaling bagay na sa kanila.
Ngayon malapit na ang pasko ay lalong darami ang mga bata na mag-uunat ng kanilang kamay at maglalahad ng kanilang palad.
Magbibigay ka ba o Isadora ang mga mata at pinto ng puso?
Sisisihin mo ba ang mga magulang na gawa nang gawa ngunit hindi kayang mag-aruga? 
Minsan damdamin ang umiiiral.

No comments:

Post a Comment