Sunday, September 10, 2017

Byaheng Pinoy (Part 2)

Lipad-lipad

Hindi air-con bus ang lipad-lipad. Dito ay puwede kang tumawad ng pamasahe na kapag walang masyadong pasahero ay mura ang pamasahe. Bumabawi mga to pag peak season tulad ng Christmas, Holy week at iba pang okasyon na umuuwi ang mga probinsyano.
Kapag walang gaanong pasahero ay hihimukin ka pang sumakay pero minsan ay need mong maghintay kung anong oras lalarga.
Dahil bukas mga bintana kya presko pa rin kaya dina kailangang magayon sweater o jacket.  Kahit nakashorts ay okay na kasi para ka ring nasa bahay.
Kapag sinuswerte ay solo mo ang tatluhang upuan kaya para ka ring nasa sarili mong kama.
Walang nakahambalng na mga bagahe sa gitna ng bus.
Ang sister nga lang lahat ng bus stop ay hinihimpilan,  di pa kasama ang ibang lugar na umpukan ng akala ay mga pasahero.
Bakit tinawag na lipad-lipad?
Abangan po nyo sa susunod na parte.

No comments:

Post a Comment