Nakita ko ang Isang batang lalaki na nakatingin sa isa ring bata na may kipkip na laruan. Gusto niyang lumapjt ngunit nagdadakawang isip.
Nilingon niya ang bata na kasama ang nanay na lumagpas sa kanyang kinatatayuan.
Randam ko ang kanyang paghahangad na magkaroon din siya ng laruan na kanya talaga.
Naawa ako.
Dumating ang kanyang nanay na tingin ko ay pagod. May sunong itong palangganang may laman ng lalabhan.
Opo, labandera ang kanyang nanay na magisang binubuhay ang tatlong anak.
Gusto niyang itaguyod ang mga anak sa paraang alam niya ay pwede lang niyang gawin.
Malaman ko ang kanilang tinitirhan at kinabukasan, dala ang maliit na awtong laruan ay pumunta ako sa kanila.
Nang abot ko ang laruan sa bata ay narandaman ko ang kanyang inosenteng kaligayahan.
Naluha ang kanyang nanay sa nakikitang saya ng kanyang anak. Balak din niyang ibili ang anak ngunit walang natitira sa kinikita niya sa paglalaba. Kulang pa sa pagkain.
Lahat tayo ay naging bata kaya alam natin ang nagpapasaya ng kanilang mundo - laruan ..
Ilan pa kaya ang mga bata na naghahangad ng laruan ngunit hindi natutupad ang ninanais?
Hindi na dapat hintayin ang pasko upang marandaman ng isang bata ang naidudulot na saya ng laruan.
Gusto kong tumuntong sa kanilang playground.
No comments:
Post a Comment