Thursday, December 21, 2017

CPP-NPA TATALIMA SA TIGIL-PUTUKAN


 

Tutugon   ang Communist Party of the Philippines-New Peoples’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) sa Christmas truce na idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Nauna nang sinabi ng  Malacanang na umaasa silang magdedeklara rin ng ceasefire ang CPP-NPA-NDF bilang “gesture of goodwill.”
Sa nakalap na ulat,  inihayag umano ni Luis Jalandoni, senior adviser ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na nakaplano na ang komunistang grupo na magdeklara ng tigil-putukan.
Iginagalang  daw ng CPP-NPA-NDF ang tradisyon ng mga Pilipino sa pagsapit ng Kapaskuhan.
Bago pa man   ang deklarasyon ni Duterte, nakaplano na umano sa Disyembre 23, 2017 hanggang Enero 2, 2018 ang kanilang unilateral ceasefire.
Ngunit ayon kay Jalandoni manggagaling aniya sa liderato ng CPP-NPA-NDF sa Pilipinas ang deklarasyon ukol sa tigil-putukan.
Aniya, totohanin ng grupo ang Christmas truce, hindi umano kagaya ni Duterte na walang sinseridad.


DE LIMA, MAARING TUMANGGAP NG BISITA SA PASKO AT NEW YEAR


      
Pinayagan ng Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Camp Crame na tumanggap si Senador Leila de Lima ng bisita  sa bisperas ng Pasko at Bagong Taon.
Kinumpirma ng opisina ng senador na maaaring tumanggap ng mga bisitang kamag-anak si De Lima sa Disyembre 24 hanggang ala-1 ng madaling araw ng Disyembre 25 at sa mismong araw ng Pasko mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.
Maaari ring tumanggap ng bisita si De Lima mula bisperas ng Bagong Taon hanggang ala-1 ng Enero 1 at maaari rin silang bumalik ng alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.
Magugunitang naghigpit ang Custodial Center sa mga bisita ni De Lima kung saan ilang beses nang hindi pinayagan makapasok ang ilan dito.
Kabilang   dito ang mga kaalyado ni De Lima at maging mga international human rights advocates.
Hindi rin umano pinapayagan ang   pagpasok ng mga printed Facebook at Twitter messages ay hindi rin umano pinapayagan.
Si De Lima ay nakulong matapos akusahan ng pakikisosyo sa kalakaran ng ilegal na droga sa loob ng New Bilibid Prison upang tustusan ang kaniyang kandidatura sa Senado.
Itinangi ito ni De Lima at sinabing ginigipit lamang siya ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa pagtuligsa niya sa kontrobersiyal na giyera kontra droga.

 

CHRISTMAS CEASEFIRE BINAGO NI DU30



Pinaigsi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang petsa ng unilateral ceasefire sa mga komunistang  guerrilla kahit atubili ang kanyang defense chief na suspendihin ang  military operations laban sa mga rebelde.
Sa press conference, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang unilateral ceasefire ng pamahalaan sa  the New People’s Army (NPA) ay iiral mula  6  ng hapon ng Disyembre 23 hanggang 11:59  ng gabi ng Disyembre  26, at magpapatuloy sa  6  ng hapon ng   Disyembre 30 hanggang 11:59  ng gabi ng Enero    2.
Nauna nang inihayag ng MalacaƱang na ang suspensiyon ng  military operations ay diretsong tatakbo mula Disyembre    24  hanggang Enero   2.
Hindi nilinaw ni kung bakit binago ang mga petsa. Hindi na umano dapat magpaliwanag ang Pangulo.
Gayunman, tinawag ni  Communist Party of the Philippines (CPP) founding chair Jose Maria Sison   ceasefire na pagkukunyari.  Sinabi nito na ang communist movement's armed wing na  New People's Army, ay mananatiling nakaalerto laban sa   panlilinlang.
 “Kung totoong hindi sasalakay ang AFP (Armed Forces of the Philippines) at PNP (Philippine National Police), walang tatambangan ang NPA. Pero malamang na pakunwari ang SOMO (suspension of military operations). Alerto lang ang NPA laban sa panlilinlang, pagsalakay at okupasyon ng kaaway sa mga baryo. Ang AFP at PNP naman ang mananalakay at mananakop,”  sabi ni Sison  sa kanyang post sa kanyang Facebook page.
Bilang tugon, sinabi ni Roque nararapat na magpasalamat ang publiko sa pagsulong ni Duterte ng  unilateral ceasefire  kahit na puwede niya itong binalewala.
“But I felt that it was a right decision because finally, I personally felt it’s Christmas with the announcement. If Joma Sison did not feel any spirit of Christmas because of the [SOMO], well, I feel sorry for him then. That’s what happens when you’re not here in the Philippines anyway,”  patungkol ni Roque  sa communist leader.  
Nauna nang sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na hindi siya pabor sa   SOMO ngunit tatalima siya s autos ng Pangulo.


CHRISTMAS CEASEFIRE, PANLILINLANG



Itinuring ni Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Maria Sison na pagkukunwari lang ang deklarasyong unilateral ceasefire ni Pangulong Rodrigo Duterte sa New People’s Army (NPA).
Sinabi ni Sison na malamang ay bahagi lang ng pagkukunwari ang SOMO o suspension of offensive military operations.
Dahil dito, sinabi ni Sison na hindi magpapakampante ang kanilang hanay.
Mananatili aniya silang alerto laban sa mga panlilinlang at pagsalakay ng pwersa ng pamahalaan.
Ani Sison, kung totoong walang pag-atake na gagawin ang PNP at AFP ay hindi naman din gagawa ng pananambang ang NPA.


 

Monday, December 18, 2017

REMEMBERING OUR POP ICONS

SUGGESTION BOX VS ILIGAL NA DROG, KINALAT SA QC



Ikinalat sa 142 barangays ng Quezon City   ang mga suggestion box kontra illegal drugs sa mga barangay at simbahan na layuning matulungan ang pamahalaan  para  maibsan ang problema ng illegal drugs sa lungsod.

Sa paglulunsad ng suggestion box project, sinabi ni QC Vice Mayor Joy Belmonte na-isip ng kanyang tanggapan na lagyan ng suggestion box ang mga barangay at simbahan upang maging isa na lamang na lagayan ang sisidlan ng mga suggestion na nais na maiparating ng publiko sa mga kinauukulang opisyal ng gobyerno.

Ayon pa sa opisyal hindi lamang tungkol sa illegal drugs campaign ang adhikain ng mga suggestion box kundi magiging daan din ito sa pagtanggap ng boses ng bayan sa usapin ng corruption, kriminalidad at violent extremism  upang maaksiyonan at masoloyunan ng  mga kinauukulang tanggapan ng  pamahalaan.

Sa isang press conference kahapon sinabi ni Belmonte na kapag tungkol sa illegal drugs at kriminalidad ang reklamo ay agad na ipararating sa tanggapan ni QC Police Director Chief Guilermo Eleazar para aksyonan, kung sa corruption ay sa QC government at kinauukulang ahensiya at magkatulong namang aaksiyonan ng local na pamahalaan at QC Police ang problema sa usapin ng violent extremism.

Sa kanyang panig, sinabi ni General Eleazar na malaking tulong ang programang ito sa kampanya laban sa krimen at illegal drugs dahil sa mga impormasyon na makukuha mula sa suggestion box.

“Itong suggestion box ay parang text info na aming matatangap , ito ay mga info na kailangang kunan naming ng mga ebedensiya ito ay boses na kailangan aksiyonan kaya , we look for the evidence,kung ang concern ay sa isang police station sa QC ay agad naming itong ibibigay sa concerned police station for action,we will validate to prove na may ganitong pangyayari ani pa ni Eleazar.


Hinikayat din ng mga ito ang media na palagiang mapagmasid at iulat ang mga tunay na kaganapan sa mga kampanya ng pamahalaan kontra illegal drugs.

DU30 PABOR SA SAME-SEX MARRIAGE


Walang pagsidlan sa katuwaan ang mga  kasapi ng lesbian, gay, bisexual, and transgender (LGBT) community makaraang tiyakin  ni Pangulong Rodrigo Duterte na suportado niya ang posisyon na same sex marriage ng nasabing grupo.
Sa kanyang talumpati sa pagtitipon ng LGBT Community sa Davao, inihayag ni Pangulong Duterte na sa ilalim ng kanyang administrasyon makakasiguro ng katarungan at suporta ang LGBT.
Ayon kay Duterte, mahirap nang pwersahan pang ipatupad ang makalumang moralidad sa modernong panahon kaya kung ano  ang makadagdag sa kasiyahan ng LGBT community ito ay kanyang pagbibigyan.

Hinsi  nagtagal ang Pangulong Duterte sa pagtitipon ng  LGBT   dahil tumuloy ito sa GenSan at nangakong lilibot pa sa mga lugar sa bansa na nagtamo ng malaking pinsala ng bagyong Urduja.

DEPED, INILUNSAD ANG OPLAN KALUSUGAN

  
Bilang bahagi ng programa ng ahensiya, inilunsad  ng Department of Education (DepEd) ang Oplan Kalusugan.
Sinabi ni  Education Secretary Leonor Briones, layon ng programa na matiyak na mabibigyan ng primary health at dental care ang mga estudyante para mailabas ang kanilang potensiyal sa pag-aaral.
Tututukan din aniya ng programa ang lahat ng DepEd school health personnel at mga estudyante na simulan ang mas malusog na kaugalian.
Makikipag-ugnayan din  ang mga personnel at estudyante sa mga health providers at local government units (LGUs) para sa serbisyong pankalusugan.
Magsisimula ang implementasyon ng programa sa Hulyo ng school year 2018-2019.


BAGONG SISTEMA SA AIRPORT MADI-DETECT ANG TERRORIST

 

Gagamit ang Bureau of Immigration (BI)   ng biometric-based system sa mga paliparan na may kakayahang maka-detect ng mga undesirable aliens na nagtatangkang pumasok ng bansa.
Ayon kay Immigrations Commissioner Jaime Morente, dalawang linggo nang ginagamit ng mga BI personnel sa Ninoy Aquino International Airport ang bagong software na tinawag na “border control information system” (BCIS) na nagpoproseso sa lahat ng international passengers na pumapasok at lumalabas ng paliparan.
Ani Morente, may kakayahan din ang bagong sistema na makatukoy ng mga pugante at terorista na magtatangkang mag-impostor.
Ang BCIS ay konketado rin umano sa database ng Interpol at Australian Immigration Department.

Ayon naman kay BI port divisions chief Marc Marinas na maliit lamang ang tsansa na pumalya ang sistema, na unang naging operational sa mga paliparan ng Mactan-Cebu, Clark, Kalibo, Davao at Laoag.

PACQUIAO TYPE GAWING PANGULO NI DU30



  
TYPE  ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senador Manny Pacquiao na maging susunod na pangulo ng bansa.
Kasabay ito ng pagdalo ng chief executive sa ika-39 na taong kaarawan ni Pacquiao kagabi, na idinaos sa isang mall dito sa lungsod.
Nagustuhan vumano ni Pangulong Duterte ang istilo ng serbisyo ni Pacquiao kaya nais niya itong maging susunod na Philippine president.
Hindi ito ang unang pagkakataon na sinabi ng Pangulo na nais niyang maging presidente ng bansa ang fighting senator.
Hindi maikakaila, ayon sa pangulo, na malaki ang naiambag na karangalan ni Pacquiao sa Pilipinas dahil sa pagiging world champion nito at sa mga tagumapay na nakamit sa larangan ng boxing.
Marapat lamang aniya na gayahin ang determinasyon at kababaang loob ni Pacquiao.
Hindi aniya dapat na sumuko at mawalan ng pag-asa ang mga Pinoy dahil gaya ni Pacquiao napagtagumpayan nito na lagpasan ang kahirapan.

Nauna nang sinaibi ng pangulo na gusto niya ring maging pangulo ng bansa si Grace Poe kung maamyendahan ang Saligang Batas para sa mga foundling.

PNP, AFP NAKAALERTO SA CPP ANNIV


Pinaigting ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang opensiba sa nalalapit na 49th founding anniversary ng Communist Party of the Philippines (CPP) sa December 26, 2017.
Sa pahayag ng PNP, naghahanda na ang kanilang tactical at maneuver units kontra sa posibleng pag-atake ng komunistang grupo.
Inalerto na rin ng PNP ang lahat ng kanilang units na panatilihin ang anila’y “high state of vigilance” laban sa CPP-NPA.
Katuwang   ng pambansang pulisya ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa naturang paghahanda.
Matatandaang pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang proklamasyon na pagdedeklara sa CPP at NPA bilang teroristang grupo.


Sunday, December 17, 2017

PROTEKSYON NG MGA SIBILYAN SA ATAKE NG NPA TINIYAK


  
ping Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga sundalo na mabigyan ng kaukulang proteksiyon ang mga sibilyan laban sa pinalakas na opensiba ng New Peoples Army (NPA) na binansagan na ngayong terorista ni Pang. Rodrigo Duterte.
Sa intelligence report na nakalap ng military, balak maglunsad ng pag-atake ang NPA kasunod ng paggunita ng mga ito ng kanilang anibersaryo sa darating na December 26,2017.
Ayon kay Philippine Army Spokesperson Lt. Col. Ray Tiongson na mahigpit ang direktiba sa mga sundalo na protektahan ng mga ito ang mga sibilyan at bigyan ng pansin ang Karapatang Pantao ng sa gayon hindi mabigyan ng pagkakataon ang mga rebeldeng grupo ng makapaglunsad ng pag atake at pag recruit ng mga bagong miyembro.
 Binigyang-diin ni Tiongson na habang nakatutok ang mga sundalo sa paglunsad na focused military operations,inatasan ang mga ito na manatiling faithful at committed sa pag perform ng kanilang mandato para matiyak ang peace and security sa mga komunidad.
Ang pahayag ni Tiongson ay kasunod sa planong pag-atake laban sa mga pwersa ng gobyerno bilang highlight sa nakatakdang pagtitipon ng CPP-NPA sa Agusan del Sur at Surigao del Sur bilang pagdiriwang sa kanilang 49th founding anniversary sa December 26.
Nakatutok ang pag atake ng NPA sa may bahagi ng Eastern at Northern Mindanao kung saan may malakas na pwersa ang komunistang grupo.

Naka-alerto ang mga pwersa ng pamahalaan sa Eastern at Western Visayas, Southern Tagalog, Bicol region, Central at Northern Luzon, Cordillera Administrative region at Cagayan Valley.

THROUGH THE RAIN…


 
SHE can not walk to reach the clouds but her brilliant hands drive her to sky…
Mhatet, as everybody fondly calls her, depends on wheelchair. A person with disability who has hurdled trials in her desire and passion to carve a niche in life’s uncertainty.
She could not join her peers playing on the street. Having fun running in chasing game was a wish she confined to herself, but without the sense of withdrawal.
God has reason and purpose. What Mhatet had been denied of was filled with great compliment in resplendent fashion. At the age of six, she could sketch a figure. Her hand can draw and paint effortlessly.  That’s sheer and innate talent, a gift God has endowed her to fill the void drawn by her predicament.
She has nurtured God’s gift, She has found comfort and solace in the serene company of pencil, brush, cardboard and canvass.
She developed her talent in her formative years, ushering her to the world of artistry and metaphorical interpretation.
She frolics in her own world. Mhatet knows “in every sigh is a greater smile.”
She has adapted the life’s stark reality. Unperturbed, she continues to dare and conquer with brave heart, every challenge impending her way.  She knows God’s mercy and grace pour profusely on her. She holds on to faith, with no question.
God’s miracle! She discovered she has golden voice and her hand, not tired by holding brush and pencil, could strum the guitar.
What a great find! Mhatet sings beautifully and plays the guitar magically. Seeing her plucking the guitar in her own accompaniment of her solo repertoire in matrimonial vows, adds glitter and meaning to the union. She is endeared to anybody’s heart.
Mhatet pours interest, dedication and love in every pursuit, She managed to go to school. She has inculcated in her mind the true value of education and the power of knowledge.
Mhatet, whose real name is MARIA THERESA D. REPANE, a simple lass settling in a idyllic place of PUROK LAKADBULAN, BASUD, POLANGUI, ALBAY, PHILIPPINES, has lot to conquer. She has survived trials. Mhatet adheres to the truth that this is God’s way of praising her in her capacity to endure.
She has continued to show and do what she can achieve. She epitomizes the true mold of a God’s child.  Never lose hope. Hold on to your dream.
She paints. She sings. She plays guitar…And she could write with creativity.
The world is behind her.
Her hands and mind do the craft but her genuine heart polishes her art.
This is her story…

WHY DOES GOD PUT TO TEST SOMEONE WHO EXUDES GOODNESS?

WHY does  God  put to test someone who exudes goodness?
This question always creeps in my mind when  I am conversing  with a friend, who finds the essence of existence despite life’s intricacies.
This is his story.
He left behind a stable job, as one of the editors of a national tabloid based ni Manila, Philippines to work with the then vice-governor of Albay. It was an abrupt decision that even us, his co-editors, had never thought he would do.
His short stint as a government employee had exposed him to a stark reality of poverty.  He wanted to back out and returned to where he’s used to be but there’s no way. His adjustment was devastating but he had to accept the consequence of his blatant move, anchoring on a consolation that he’s back to a place where he used to be his playground.
He never thought his decision would change his entire disposition and vision in life. It taught him what life is all about. He finally enjoyed his stay but fate has continued to put him to test. His superior lost in the past election.  Unemployed he has tried to do modest way to eke out a livin,. but he has a share of the taste of failure.
He has suffered from life’s uncertainty that renders him sleepless at night. When tired and exposed to sweltering heat of the sun, he could hardly see at night. He would question God’s mercy and grace but subsequently would repent and make regret of what he has called a silent degree of blasphemy.
Nowhere to run, he has mustered enough courage to hurdle all the misfortunes that beset him. He wants to survive and finally has found peace and joy in his present state. He believes there is a bigger light behind the big shadow.
He knows, God is only trying to compliment his capacity to endure. God is challenging him to hurdle the obstacles in life to attain the inner happiness.
And he is right.
The pictures of poverty have touched his heart and awaken his innate kindness. He finds  out that there is treasure in misery. It has opened his eyes into the plight of others, especially the neglected children who need to be taught on value formation and communication skill.
Children have given him the idea to share his God given wit and talent. He has found solace in teaching the children on how to deliver speech, compose a poem, write an essay and other form of literary composition.
He enjoys imparting to children what he has acquired through readings and personal views of life’s real and perpetual bout.
He never asks for a pay, instead he would partake to children even a piece of a native cake, offers them  coffee and juice drinks.
But when alone, the uncertainty strikes on him. He’s afraid not for himself. He’s insecure not for his own existence but for those who might seek his help. He can’t turn his back at the ogle of a child asking for his assistance. Knowledge and wisdom are all he can offer to them.
He clings on his faith to God. He may be tough but deep inside his heart is fragile. How he wishes to continue his purpose, vision and commitment to them and to God.
God has His own way. He’s just watching. He knows the truth but waits.
I salute him for his genuine way of demonstrating his concern for the children but also I am afraid, for him.  I hope he continuously executes his purpose though he has his own predicament and worries.
He loves, too, the oldies. He wishes he could give an hand to grandparents who are abandoned by their children, and being neglected. The children and the olds have soft spots in his heart.
I am just a simple mother and worker who is trying to make both ends meet. I wish I could help him. I want to share with him the passion of doing good for other’s welfare.
This is my own way of telling the world that I have found a gem. He’s a treasure that I have found. I always have loved  to write his story. I know the world is behind him.
…And this is his story.

MILITAR HANDA SA NPA ANNIVERSARY ATTACK

MILITAR HANDA SA  NPA ANNIV ATTACK


TODO paghahanda ang ginagawa na ang mga sundalo na nasa mga probinsya ng Pangasinan, Nueva Vizcaya, at Nueva Ecija sa posibleng pag-atake ng New People’s Army (NPA) sa ika-49 na anibersaryo ng Communist Party of the Philippines (CPP) sa Disyembre 26.
Sa nakalap na ulat, ipinabatid ni  Lieutenant Colonel George Bergonia, commanding officer ng 84th Infantry Battalion sa San Jose City, Nueva Ecija, bagaman nagtatago ang mga NPA kasunod ng pagdedeklara ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga armadong komunista bilang mga terorista, ay hindi malayong maglunsad pa rin ang mga ito ng pag-atake para sa anibersaryo ng CPP.
Mayroon umanong dalawang grupo ng NPA na dating nasa bulubundukin ng Caraballo at isa sa mga ito ang may operasyon sa silangang Pangasinan. Namataan ang mga miyembro nito sa liblib na barangay sa bayan ng Umingan, San Quintin, Natividad, at San Nicolas.
Matapos mapatay ang siyam sa mga miyembro nito, kabilang ang kanilang pinuno na si Joe Managan alyas Ka Razul, ay nabuwag na ang naturang grupo.

Nabuo ang CPP noong December 26, 1968 sa isang liblib na barangay sa Alaminos City, Pangasinan.

Friday, December 15, 2017

Buhay Pinoy GAGANDA sa 2018 – SWS



Dumarami ang  bilang ng mga Pilipino na nagsabing inaasahan nila na bubuti ang kanilang pamumuhay sa susunod na 12 buwan.
Sa  pinakahuling survey ng Social Weather Stations o SWS, mula sa 44 percent noong Hunyo 2017, umakyat sa 47 percent noong Setyembre ang mga Pinoy na optimistic o positibo na gaganda ang uri ng kanilang buhay.
Nasa apat na porsiyento ang naghayag na inaasahan nilang sasama pa ang uri ng kanilang pamumuhay.
Katumbas ito ng excellent o positive 42 na net personal optimism score na mas mataas ng dalawang puntos mula sa naitala noong Hunyo.
Sa nasabi ring survey, 39 na porsiyento naman ang Gainers o nagsabing gumanda ang kanilang pamumuhay sa nakalipas na 12 buwan, habang 19 na porsiyento ang losers o nagsabing hindi gumanda ang kanilang pamumuhay.
Katumbas ito ng record high na Net Gainers Score na positive 19.
43 porsiyento naman ang naniniwala na gaganda pa ang ekonomiya ng Pilipinas sa susunod na taon habang 12 percent ang naniniwalang hihina ito.

Katumbas ito ng net optimism na excellent o positive 30 na mas mataas kompara sa naitalang positive 27 noong Hunyo

Food packs, naihanda na sa pananalasa ni ‘Urduja’ – DSWD



Pinakilos na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang disaster response cluster bilang paghahanda sa bagyong Urduja na nananalasa sa Samar.
Ayon kay DSWD officer-in-charge Emmanuel Leyco, may nakaantabay nang 368,000 na family food packs na nagkakalahaga ng P223 million.

May mga food at non-food items  din na nagkakahalaga ng P393 million ang naka-standby pa.
Maliban dito, sinabi  ni Leyco na mayroon ding nakaantabay na P245 million pondo sa Central Office at sa mga Field Offices na agad na ipalalabas sakaling kailanganin na.

Patuloy aniyang minamatyagan ng DSWD ang lagay ng bagyong Urduja at sa mga mamamayang apektado.

TAX REFORM HAHARANGIN SA SC



Tinitingnan at pinag-aaralan ng Makabayan bloc na harangin sa korte ang tax reform ng Duterte administration.
Sa nakalap na balita, sinabi ni Bayan Muna Party-list Rep. Carlos Isagani Zarate, isa kinukonsidera nila ngayon sa kanilang mga option ay ang hakbang na ligal.
Posible aniyang iakyat nila sa Korte Suprema ang railroading na ginawa sa “anti-people” tax reform package ng pamahalaan.
Nilabag umano mismo ng mababang kapulungan ng Kongreso ang sarili nitong alituntunin  nang pagtibayin  ang Tax Reform Acceleration and Inclusion (TRAIN) bill noong Miyerkules ng gabi.
Nilabag daw ng Kamara ang patakaran nitong nagtatakda na dapat mayorya ng mga kongresista ang present sa sesyon na may quorum bago ratipikahan ang anumang bicameral committee report.

Noong niratipikahan daw ang TRAIN bill ay wala nga raw 20 kongresista ang nasa plenaryo, bagay na nakakadismaya sapagkat mabigat na panukala ang isinalang.

Thursday, December 14, 2017

45 South Koreans ipinatapon ng BI



Ipinatapon na ng Bureau of Immigration ang 45 South Koreans, sakay ng isang chartered flight.
Sinabi  ni Immigration Deputy Commissioner Toby Javier na nakatanggap sila ng hiling mula sa South Korean government na hulihin ang 45 South Koreans na dnahaharap sa iba’t ibang kaso sa kanilang bansa.
Karamihan aniya sa kaso ng mga puganteng South Koreans ay mga cyber crimes, partikular na ang voice phising, online estafa at economic fraud.
Ang  45  pugante ay sinundo ng mahigit 100 Korean police na tauhan ng Interpol at International Crime Unit.
Napag-alaman din na umarkila pa ang otoridad ng isang Jeju Air plane mula sa South Korea para sunduin ang mga pugante nilang kababayan.
Nilinaw naman ni Atty. Arvin Santos, chief ng Legal Division ng Immigration Bureau, dahil sa dami ng mga turistang Koreano na bumibisita sa Pilipinas kaya’t kailangan na marami ring South Korean police officer ang magtungo sa bansa.

Sinabi pa nina Javier at Santos na ihahatid nila sa South Korea ang mga hinuli nilang pugante para na rin makipag usap sa kanilang mga counterparts hinggil sa mga paraan na maiwasan na ang pagtatago ng mga tinutugis ng batas na Koreans dito sa Pilipinas.

Wednesday, December 13, 2017

Bato SUNOD NA BuCor chief

  

ITATALAGA ni Pangulong Rodrigo Duterte si outgoing Philippines National Police (PNP) Chief General Ronald “Bato” Dela Rosa sa Bureau of Corrections (BoC).
Kinumpirma ito ni Duterte sa Christmas party ng   MalacaƱang Press Corps.
Sa gitna na rin ito ng una nang napaulat na magreretiro ang PNP chief bago pa man nito maabot ang kanyang mandatory retirement age na 56 sa January 21 sa susunod na taon.
Inaasahang papalit sa kanya si   Deputy Director General Ramon Apolinario, second-in-command ng PNP.
Hindi naman sinabi ni Pangulong Duterte kung kailan niya itatalaga si Gen. Dela Rosa bilang bagong pinuno ng BuCor.
Sinabi ni Dela Rosa na kanyang tinanggap ang alok dahil nakikita niya itong paraan para makatulong sa bansa.
Nauna ring sinabi ni Dela Rosa na bibigyan siya ng Pangulo ng pinakamatinding hamon na posisyon sa gobyerno, kung saan karamihan ay nabigo.
Sa ngayon, officer-in-charge ng BuCor matapos maghain ng kanyang irrevocable resignation si dating Director General Benjamin Delos Santos noong Hulyo 13 dahil sa aniya’y muling pamamayagpag ng droga sa New Bilibid Prisons.

Ang bureau ay pinamumunuan ngayon ni retired Chief Supt. Valfrie Tabian.








MARTIAL LAW EXTENSION PASADO SA CONGRESS



Tumagal lamang ng mahigit  t apat na oras ang ginawang paghimay ng dalawang kapulungan ng Kongreso upang pagtibayin ang hiling ng Pangulong Rodrigo Duterte na isang taon na extension sa Martial Law sa Mindanao.
Sa   joint session ng Kongreso inaprubahan ang pagpapalawig ng Martial Law sa boto na 240 yes, 27 no, at walang abstention.
Sa panig ng mga senador 14 ang pumabor habang apat   ang tumutol sa Martial Law extension na magtatagal hanggang December 31, 2018.
Sa December 31, 2017 na sana mapapaso ang Martial Law sa Mindanao na ipinatupad kasunod nang pag-atake ng Maute terror group sa Marawi City noong Mayo 23, 2017.
Kabilang sa mga dumipensa sa posisyon ng Pangulong Duterte na humarap sa mga mambabatas sa Kamara ay sina Executive Secretary Salvador Medialdea, Defense Sec. Delfin Lorenzana, Senior Deputy Executive Secretary Menardo Guevarra, PNP Chief Ronald dela Rosa, AFP Chief of Staff Rey Leonardo Guerrero, dating AFP chief at retired Gen. Eduardo Ano na ngayon ay undersecretary ng DILG at si National Security Adviser Hermogenes Esperon.
Agad na ginisa ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang ilang mga opisyal ng Duterte administration ukol sa basehan ng Martial Law extension.
Inurirat niya ang pagpapalawig ng isang taon pa ng batas Militar sa Mindanao, gayong wala namang “actual combat” o rebelyon na nangyayari.
Pero iginiit ni Sec. Lorenzana na kailangan pa rin ang Martial Law para sa pagpapatuloy at pananatili ng kapayapaan sa rehiyon.
Depensa ni Lorenzana, kahit liberated na ang Marawi sa Maute-ISIS group meron pa umanong nangyayaring aktibong recruitment na ginagaw ang mga ISIS inspired groups na ang puntirya ay mga Muslim na kabataan sa ilang bahagi ng Mindanao.
Ginawa niyang halimbawa   ang ilang insidente ng labanan sa ilang lugar sa Tawi-Tawi, Basilan, Sulu at iba pa.

Bago nagsimula ang pagtatanong,  sinabi ni  Sec. Medialdea na hindi nila intensyong magkaroon ng “unlimited Martial Law” dahil layunin lamang ng gobyerno na umiral ang pangmatagalang kapayapaan.
Giit ni Medialdea, lumipat na umano sa ibang lugar ang battlefield.  
Naitanong  ni Drilon kung  kung pasakalye  sa Martial Law sa buong bansa ang panibagong kahilingan sa isang taon na extension ng batas militar sa Mindanao.
Tumulong na rin sa pagtatanggol si Dep. Exec. Secretary Guevarra sa request ng Pangulong Duterte na Martial Law extension.
Aniya, may basehan daw ito dahil sa “continuing actual rebellion.”

Pero para kay Drilon, nakukulangan daw siya basehan ng gobyerno sa pagpapatupad ng isang taon pang extension sa batas militar.

Monday, December 4, 2017

TAKOT SA DENGUE VACCINE PINAHUPA



Sinugpo ng MalacaƱang at Department of Health (DoH) ang takot ng publiko  sa kontrobersyal na dengue vaccine ng kompanya Sanofi Pasteur.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na walang dapat ipangamba ang mga magulang ng mga batang naturukan ng degue vaccine dahil wala itong masamang epekto, taliwas sa mga kumakalat na impormasyon.

Ayon kay Health Assistant Sec. Lyndon Lee Suy, lumawak nang husto ang kontrobersya at hindi na nakatuon sa isyu ng Dengvaxia.
Inanunsiyo ni Asec. Suy na magandang balita nga dahil siyam sa 10 nabakunahang nagka-dengue na ay hindi na ulit magkakaroon ng dengue infection habang isa lamang sa 10 nabakunahang hindi pa nagka-dengue ay may tsansang magkaroon ng matinding dengue na may sintomas na paglalagnat at pagkaroon ng pasa.
Dahil dito, wala raw  dapat ikabahala ang mga magulang ng mahigit 700,000 mga batang nabakunahan ng Dengvaxia sa buong bansa.
Wala ring natatanggap na ulat ang Sanofi Pasteur na may kaso ng pagkamatay sa mga naturukan ng Dengvaxia.
Sa ulat, ipinabatid ni Dr. Ruby Dizon, medical director ng Sanofi Pasteur, walang report   na nakukuha ang kanilang kumpanya gaya ng  impormasyon ng Department of Health.
Aniya, nagkaroon ng pagtatasa ang grupo ng mga eksperto at sa pag-aaral ay walang naapektuhan ng isinagawang pagbabakuna.
Sagot ito ng Sanofi sa inilabas na pahayag ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) na tatlong bata ang nasawi sa Central Luzon matapos tumanggap ng bakuna laban sa dengue.
Sinabi na ng Sanofi na ang Dengvaxia ay makatutulong sa bata na tinamaan na ng dengue.
Gayunpaman, kung ang naturukan nito ay hindi pa nagkakaroon ng dengue ay maari itong makaranas ng “severe disease”.
Hindi naman ibig sabihin nito na maaring magdulot ng pagkamatay o grabeng kondisyon ang bakuna. Ito ang paliwanag ng Sanofi sa kanilang inihayag na magdudulot ng “severe diseases” ang Dengvaxia kung ang batang naturukan nito ay hindi pa nagkaka-dengue.
Lumitaw na ang “severe” na tinutukoy ay mas matagal na lagnat, mababang platelet count, magkaroon ng pasa kapag nauntog at makaranas ng balinguyngoy kapag nainitan.
Mga sintomas umano ito na nasa ilalim ng classification bilang “severe dengue symptoms”.
Ayon kay Sta. Ana, walang naitatalang kaso ng dengue shock syndrome at wala ring namatay.

Sa iba pang kaganapan, maaai umanong maharap sa kaso ang Sanofi Pasteur. Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, posibleng mayroong pananagutan ang kumpanya at binubusisi na ng legal services group ng DOH ang kontrata sa Sanofi para malaman ang detalye nito.

2 PATAY, 7 SUGATAN SA MILITAR-BIFF ENCOUNTER



Dalawang sibilyan ang napatay at pito ang nasugatan na kinabibilangan ng mga bata sa bakbakan ng mga sundalo at mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Shariff Aguak, Maguidanao.
Naganap ang engkwentro Linggo ng gabi sa pagitan ng mga tauhan ng 40th Infantry Battalion ng Philippine Army at BIFF.
Kinilala ang mga nasawi na  sina Unti Kamama, 60 anyos at Mohammad Kamama, 13 anyos.
Habang ang mga nasugatan naman ay sina Aila Amor, 25 anyos; Tukay Kamama, 26 anyos at mga bata na edad 2, 3, 4 at 6 na pawang residente ng Sitio Bacong sa Brgy Tinambangan.
Kasama ding nasugatan si Reserve Army Private Clinton Vigor.
Ayon kay Sixth Civil Military Operations chief Col. Gerry Besana, inatake ng BIFF ang detachment ng Philippine Army sa Sitio Bacong.
Kinumpirma naman ni MIFF-Bongos faction spokesperson Abu Misry Mama, na sila ang nasa likod ng pag-atake.


JEEPNEY MODERNIZATION TULOY

 


BINIGYANG-DIIN ni Department of Transportation (DOTr) Sec. Arthur Tugade na magpapatuloy pa rin ang jeepney modernization program ng pamahalaan sa kabila ng pagtutol ng iba’t ibang mga transport groups.
Aniya, hindi nila ipatitigil ang planong modernisasyon sa mga jeepney, alinsunod sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Noong Disyembre 4-5,   nagkasa ng nationwide transport strike ang mga grupong Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) at ang No to Jeepney Phaseout Coalition mula Disyembre 4-5.
Ang planong tigil-pasado kahapon at ngayon ay kinansela dahil na rin sa ipinangako ni Sen. Grace Poe na bibigyan sila ng pagkakataon na marinig ang kanilang panig sa Senate hearing sa Disyembre 11, mula sa dating iskedyul nito na Disyembre 7.

 

Friday, December 1, 2017

KARAHASAN SA MGA KATUTUBO, ITIGIL


NANAWAGAN ang isang Pari na itigil na ang karahasan sa mga katutubo matapos silang lumikas makaraang maipit sa kaguluhan sa Lianga, Surigao Del Sur.
Ayon kay Fr. Fortunato Estillore, Indigenous Peoples Director ng Diocese of Tandag na naipit ang mga katutubong Lumad dahil naapektuahan sila nang ideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte na teroristang grupo ang New People’s Army.
“Tungkol po yan sa mga NPA, yun na kasi ang utos sa AFP ngayon. Ongoing yung operation sa bundok saka maraming encounters, kapag ganung pangyayari, talagang sila [mga Lumad] ang unang naaapektuhan, sila ang mga naiipit sa gulo,” bahagi ng pahayag ni Fr. Estillore sa Radyo Veritas.
Bukod dito, sinabi ng pari na hindi pa rin nawawala ang banta sa kaligtasan ng mga Lumad dahil sa pagmiminang nais isagawa sa kanilang ancestral lands.
Kaugnay dito, muli ding humihingi ng tulong si Fr. Estillore, para sa pangangailangan ng mga katutubong lumikas mula sa kabundukan.
Ilan sa mga pangunahing kailangan ng mga lumad na nag-bakwit ang bigas canned goods, noodles at iba pang pagkain, gayundin ang mga gamit para sa personal hygiene tulad ng mga sabon pampaligo at sabong panlaba.
Magugunitang noong 2016 ay nagkaroon din ng malawakang paglikas ang mga lumad mula sa kanilang tahanan dahil sa karahasang dinaranas nito mula sa mga paramilitary groups at ang Diocese of Tandag ang isa sa mga nanguna sa pagkupkop sa mga katutubong nangailangan ng makakain at matutuluyan.

Sa kasalukuyan nananatili ang mga lumikas na lumad sa Kilometer 9, Diatagon, Lianga, Surigao del Sur.