Walang pagsidlan sa katuwaan ang mga kasapi ng lesbian, gay, bisexual, and transgender (LGBT) community
makaraang tiyakin ni Pangulong Rodrigo
Duterte na suportado niya ang posisyon na same sex marriage ng nasabing grupo.
Sa kanyang
talumpati sa pagtitipon ng LGBT Community sa Davao, inihayag ni Pangulong
Duterte na sa ilalim ng kanyang administrasyon makakasiguro ng katarungan at
suporta ang LGBT.
Ayon kay
Duterte, mahirap nang pwersahan pang ipatupad ang makalumang moralidad sa
modernong panahon kaya kung ano ang
makadagdag sa kasiyahan ng LGBT community ito ay kanyang pagbibigyan.
Hinsi nagtagal ang Pangulong Duterte sa pagtitipon
ng LGBT dahil
tumuloy ito sa GenSan at nangakong lilibot pa sa mga lugar sa bansa na nagtamo
ng malaking pinsala ng bagyong Urduja.
No comments:
Post a Comment