Sunday, December 17, 2017

PROTEKSYON NG MGA SIBILYAN SA ATAKE NG NPA TINIYAK


  
ping Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga sundalo na mabigyan ng kaukulang proteksiyon ang mga sibilyan laban sa pinalakas na opensiba ng New Peoples Army (NPA) na binansagan na ngayong terorista ni Pang. Rodrigo Duterte.
Sa intelligence report na nakalap ng military, balak maglunsad ng pag-atake ang NPA kasunod ng paggunita ng mga ito ng kanilang anibersaryo sa darating na December 26,2017.
Ayon kay Philippine Army Spokesperson Lt. Col. Ray Tiongson na mahigpit ang direktiba sa mga sundalo na protektahan ng mga ito ang mga sibilyan at bigyan ng pansin ang Karapatang Pantao ng sa gayon hindi mabigyan ng pagkakataon ang mga rebeldeng grupo ng makapaglunsad ng pag atake at pag recruit ng mga bagong miyembro.
 Binigyang-diin ni Tiongson na habang nakatutok ang mga sundalo sa paglunsad na focused military operations,inatasan ang mga ito na manatiling faithful at committed sa pag perform ng kanilang mandato para matiyak ang peace and security sa mga komunidad.
Ang pahayag ni Tiongson ay kasunod sa planong pag-atake laban sa mga pwersa ng gobyerno bilang highlight sa nakatakdang pagtitipon ng CPP-NPA sa Agusan del Sur at Surigao del Sur bilang pagdiriwang sa kanilang 49th founding anniversary sa December 26.
Nakatutok ang pag atake ng NPA sa may bahagi ng Eastern at Northern Mindanao kung saan may malakas na pwersa ang komunistang grupo.

Naka-alerto ang mga pwersa ng pamahalaan sa Eastern at Western Visayas, Southern Tagalog, Bicol region, Central at Northern Luzon, Cordillera Administrative region at Cagayan Valley.

No comments:

Post a Comment