Ilulunsad ng Philippine National Police (PNP) ang
"Ligtas Paskuhan 2017" upang
matiyak ang seguridad at kaligtasan ng publiko ngayong holiday season.
Inilabas na ang mga paalala sa
pagpapatupad ng batas sa mga pulis bago
dumagsa ang mga tao sa shopping malls, churches, transport terminals,
at iba pang pampublikong lugar para sa holidays, ayon kay PNP Public Safety Division
chief, Senior Supt. Rudolph Dimas.
"All police units are
directed na magbantay properly. Maximum deployment lahat ng tao sa
station," pahayag ni Dimas sa press briefing sa Camp Crame kahapon.
Dagdag niya, ang mga pulis na
nasa bakasyon sa holidays ay tinatagubilinan na mag-report sa pinakamalapit na
police station mula alas-5 ng hapon sa Disyembre 24 hanggang alas-5 ng umaga ng
Disyembre 25, at mula 5 ng hapon ng Disyembre 31 hanggang 5 ng umaga sa Enero
1, 2018.
"Kailangan lang nilang
magpa-account in case na needed sila for deployment," paliwanag ni Dimas.
Mahigpit ding ipatutupad ng PNP ang Executive Order No. 28, para sa maayos na
paggamit ng firecrackers at pyrotechnic devices.
Sa pinaigting na kampanya laban
sa loose firearms, ipapataw din ng PNP ang
one-strike policy sa police commanders sa
kabiguan ng mga ito na maresolba ang mga kaso ng indiscriminate firing at ligaw na mga bala sa
loob ng 24 oras ngayong kapaskuhan.
No comments:
Post a Comment