Gagamit ang
Bureau of Immigration (BI) ng
biometric-based system sa mga paliparan na may kakayahang maka-detect ng mga
undesirable aliens na nagtatangkang pumasok ng bansa.
Ayon kay
Immigrations Commissioner Jaime Morente, dalawang linggo nang ginagamit ng mga
BI personnel sa Ninoy Aquino International Airport ang bagong software na
tinawag na “border control information system” (BCIS) na nagpoproseso sa lahat
ng international passengers na pumapasok at lumalabas ng paliparan.
Ani Morente,
may kakayahan din ang bagong sistema na makatukoy ng mga pugante at terorista
na magtatangkang mag-impostor.
Ang BCIS ay
konketado rin umano sa database ng Interpol at Australian Immigration
Department.
Ayon naman kay
BI port divisions chief Marc Marinas na maliit lamang ang tsansa na pumalya ang
sistema, na unang naging operational sa mga paliparan ng Mactan-Cebu, Clark,
Kalibo, Davao at Laoag.
No comments:
Post a Comment