Ikinalat sa 142 barangays ng Quezon City ang mga suggestion box kontra illegal drugs sa mga barangay at simbahan na layuning matulungan ang pamahalaan para maibsan ang problema ng illegal drugs sa lungsod.
Sa paglulunsad ng
suggestion box project, sinabi ni QC Vice Mayor Joy Belmonte na-isip ng kanyang
tanggapan na lagyan ng suggestion box ang mga barangay at simbahan upang maging
isa na lamang na lagayan ang sisidlan ng mga suggestion na nais na maiparating
ng publiko sa mga kinauukulang opisyal ng gobyerno.
Ayon pa sa opisyal hindi
lamang tungkol sa illegal drugs campaign ang adhikain ng mga suggestion box
kundi magiging daan din ito sa pagtanggap ng boses ng bayan sa usapin ng
corruption, kriminalidad at violent extremism upang maaksiyonan at
masoloyunan ng mga kinauukulang tanggapan ng pamahalaan.
Sa isang press
conference kahapon sinabi ni Belmonte na kapag tungkol sa illegal drugs at
kriminalidad ang reklamo ay agad na ipararating sa tanggapan ni QC Police
Director Chief Guilermo Eleazar para aksyonan, kung sa corruption ay sa QC
government at kinauukulang ahensiya at magkatulong namang aaksiyonan ng local
na pamahalaan at QC Police ang problema sa usapin ng violent extremism.
Sa kanyang panig, sinabi
ni General Eleazar na malaking tulong ang programang ito sa kampanya laban sa
krimen at illegal drugs dahil sa mga impormasyon na makukuha mula sa suggestion
box.
“Itong suggestion box ay
parang text info na aming matatangap , ito ay mga info na kailangang kunan
naming ng mga ebedensiya ito ay boses na kailangan aksiyonan kaya , we look for
the evidence,kung ang concern ay sa isang police station sa QC ay agad naming
itong ibibigay sa concerned police station for action,we will validate to prove
na may ganitong pangyayari ani pa ni Eleazar.
Hinikayat din ng mga ito
ang media na palagiang mapagmasid at iulat ang mga tunay na kaganapan sa mga
kampanya ng pamahalaan kontra illegal drugs.
No comments:
Post a Comment