Pinaigsi ni Pangulong Rodrigo
Duterte ang petsa ng unilateral ceasefire sa mga komunistang guerrilla kahit atubili ang kanyang defense
chief na suspendihin ang military
operations laban sa mga rebelde.
Sa press conference, sinabi ni
Presidential Spokesperson Harry Roque na ang unilateral ceasefire ng pamahalaan
sa the New People’s Army (NPA) ay iiral
mula 6 ng hapon ng Disyembre 23 hanggang 11:59 ng gabi ng Disyembre 26, at magpapatuloy sa 6 ng
hapon ng Disyembre 30 hanggang 11:59 ng gabi ng Enero 2.
Nauna nang inihayag ng MalacaƱang na ang suspensiyon ng military operations ay diretsong tatakbo mula
Disyembre 24 hanggang Enero
2.
Hindi
nilinaw ni kung bakit binago ang mga petsa. Hindi na umano dapat magpaliwanag
ang Pangulo.
Gayunman, tinawag ni Communist Party of the Philippines (CPP)
founding chair Jose Maria Sison ceasefire na pagkukunyari. Sinabi nito na ang communist movement's armed
wing na New People's Army, ay
mananatiling nakaalerto laban sa panlilinlang.
“Kung totoong hindi sasalakay ang AFP (Armed
Forces of the Philippines) at PNP (Philippine National Police), walang
tatambangan ang NPA. Pero malamang na pakunwari ang SOMO (suspension of
military operations). Alerto lang ang NPA laban sa panlilinlang, pagsalakay at
okupasyon ng kaaway sa mga baryo. Ang AFP at PNP naman ang mananalakay at
mananakop,” sabi ni Sison sa kanyang post sa kanyang Facebook page.
Bilang tugon, sinabi ni Roque nararapat
na magpasalamat ang publiko sa pagsulong ni Duterte ng unilateral ceasefire kahit na puwede niya itong binalewala.
“But I
felt that it was a right decision because finally, I personally felt it’s
Christmas with the announcement. If Joma Sison did not feel any spirit of
Christmas because of the [SOMO], well, I feel sorry for him then. That’s what
happens when you’re not here in the Philippines anyway,” patungkol ni Roque sa communist leader.
Nauna nang sinabi ni Defense
Secretary Delfin Lorenzana na hindi siya pabor sa SOMO ngunit
tatalima siya s autos ng Pangulo.
No comments:
Post a Comment