Dumarami ang bilang ng mga
Pilipino na nagsabing inaasahan nila na bubuti ang kanilang pamumuhay sa
susunod na 12 buwan.
Sa pinakahuling survey ng
Social Weather Stations o SWS, mula sa 44 percent noong Hunyo 2017, umakyat sa
47 percent noong Setyembre ang mga Pinoy na optimistic o positibo na gaganda
ang uri ng kanilang buhay.
Nasa apat na porsiyento ang naghayag na inaasahan nilang sasama pa
ang uri ng kanilang pamumuhay.
Katumbas ito ng excellent o positive 42 na net personal optimism
score na mas mataas ng dalawang puntos mula sa naitala noong Hunyo.
Sa nasabi ring survey, 39 na porsiyento naman ang Gainers o
nagsabing gumanda ang kanilang pamumuhay sa nakalipas na 12 buwan, habang 19 na
porsiyento ang losers o nagsabing hindi gumanda ang kanilang pamumuhay.
Katumbas ito ng record high na Net Gainers Score na positive 19.
43 porsiyento naman ang naniniwala na gaganda pa ang ekonomiya ng
Pilipinas sa susunod na taon habang 12 percent ang naniniwalang hihina ito.
Katumbas ito ng net optimism na excellent o positive 30 na mas
mataas kompara sa naitalang positive 27 noong Hunyo
No comments:
Post a Comment