Friday, December 15, 2017

TAX REFORM HAHARANGIN SA SC



Tinitingnan at pinag-aaralan ng Makabayan bloc na harangin sa korte ang tax reform ng Duterte administration.
Sa nakalap na balita, sinabi ni Bayan Muna Party-list Rep. Carlos Isagani Zarate, isa kinukonsidera nila ngayon sa kanilang mga option ay ang hakbang na ligal.
Posible aniyang iakyat nila sa Korte Suprema ang railroading na ginawa sa “anti-people” tax reform package ng pamahalaan.
Nilabag umano mismo ng mababang kapulungan ng Kongreso ang sarili nitong alituntunin  nang pagtibayin  ang Tax Reform Acceleration and Inclusion (TRAIN) bill noong Miyerkules ng gabi.
Nilabag daw ng Kamara ang patakaran nitong nagtatakda na dapat mayorya ng mga kongresista ang present sa sesyon na may quorum bago ratipikahan ang anumang bicameral committee report.

Noong niratipikahan daw ang TRAIN bill ay wala nga raw 20 kongresista ang nasa plenaryo, bagay na nakakadismaya sapagkat mabigat na panukala ang isinalang.

No comments:

Post a Comment