Sinugpo ng Malacañang at Department of Health
(DoH) ang takot ng publiko sa
kontrobersyal na dengue vaccine ng kompanya Sanofi Pasteur.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na
walang dapat ipangamba ang mga magulang ng mga batang naturukan ng degue
vaccine dahil wala itong masamang epekto, taliwas sa mga kumakalat na
impormasyon.
Ayon kay Health Assistant Sec. Lyndon Lee Suy, lumawak
nang husto ang kontrobersya at hindi na nakatuon sa isyu ng Dengvaxia.
Inanunsiyo ni Asec. Suy
na magandang balita nga dahil siyam sa 10 nabakunahang nagka-dengue na ay hindi
na ulit magkakaroon ng dengue infection habang isa lamang sa 10 nabakunahang
hindi pa nagka-dengue ay may tsansang magkaroon ng matinding
dengue na may sintomas na paglalagnat at pagkaroon ng
pasa.
Dahil dito, wala raw dapat ikabahala ang mga magulang ng mahigit
700,000 mga batang nabakunahan ng Dengvaxia sa buong bansa.
Wala
ring natatanggap na ulat ang Sanofi Pasteur na may kaso ng pagkamatay sa mga
naturukan ng Dengvaxia.
Sa ulat, ipinabatid ni Dr. Ruby
Dizon, medical director ng Sanofi Pasteur, walang report na
nakukuha ang kanilang kumpanya gaya ng impormasyon ng Department of Health.
Aniya, nagkaroon ng pagtatasa ang grupo ng mga eksperto at sa
pag-aaral ay walang naapektuhan ng isinagawang pagbabakuna.
Sagot ito ng Sanofi sa inilabas na pahayag ng Volunteers Against
Crime and Corruption (VACC) na tatlong bata ang nasawi sa Central Luzon matapos
tumanggap ng bakuna laban sa dengue.
Sinabi na ng Sanofi na ang Dengvaxia ay makatutulong sa bata na
tinamaan na ng dengue.
Gayunpaman, kung ang naturukan
nito ay hindi pa nagkakaroon ng dengue ay maari itong makaranas ng “severe
disease”.
Hindi naman ibig sabihin nito
na maaring magdulot ng pagkamatay o grabeng kondisyon ang bakuna. Ito ang
paliwanag ng Sanofi sa kanilang inihayag na magdudulot ng “severe diseases” ang
Dengvaxia kung ang batang naturukan nito ay hindi pa nagkaka-dengue.
Lumitaw na ang “severe” na tinutukoy ay mas matagal na lagnat,
mababang platelet count, magkaroon ng pasa kapag nauntog at makaranas ng
balinguyngoy kapag nainitan.
Mga sintomas umano ito na nasa ilalim ng classification bilang
“severe dengue symptoms”.
Ayon kay Sta. Ana, walang naitatalang kaso ng dengue shock
syndrome at wala ring namatay.
Sa iba pang kaganapan, maaai
umanong maharap sa kaso ang Sanofi Pasteur. Ayon kay Health Secretary Francisco
Duque III, posibleng mayroong pananagutan ang kumpanya at binubusisi na ng
legal services group ng DOH ang kontrata sa Sanofi para malaman ang detalye
nito.
No comments:
Post a Comment