Tutugon ang Communist Party of the Philippines-New
Peoples’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) sa Christmas truce na
idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Nauna nang sinabi ng Malacanang
na umaasa silang magdedeklara rin ng ceasefire ang CPP-NPA-NDF bilang “gesture
of goodwill.”
Sa nakalap na ulat, inihayag
umano ni Luis Jalandoni, senior adviser ng National Democratic Front of the
Philippines (NDFP) na nakaplano na ang komunistang grupo na magdeklara ng
tigil-putukan.
Iginagalang daw ng
CPP-NPA-NDF ang tradisyon ng mga Pilipino sa pagsapit ng Kapaskuhan.
Bago pa man ang deklarasyon ni Duterte, nakaplano na umano
sa Disyembre 23, 2017 hanggang Enero 2, 2018 ang kanilang unilateral ceasefire.
Ngunit ayon kay Jalandoni manggagaling aniya sa liderato ng
CPP-NPA-NDF sa Pilipinas ang deklarasyon ukol sa tigil-putukan.
Aniya, totohanin ng grupo ang Christmas truce, hindi umano kagaya
ni Duterte na walang sinseridad.
No comments:
Post a Comment