Pinaigting ng
Philippine National Police (PNP) ang kanilang opensiba sa nalalapit na 49th
founding anniversary ng Communist Party of the Philippines (CPP) sa December
26, 2017.
Sa pahayag ng PNP,
naghahanda na ang kanilang tactical at maneuver units kontra sa posibleng
pag-atake ng komunistang grupo.
Inalerto na rin ng PNP
ang lahat ng kanilang units na panatilihin ang anila’y “high state of
vigilance” laban sa CPP-NPA.
Katuwang ng
pambansang pulisya ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa naturang
paghahanda.
Matatandaang pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang
proklamasyon na pagdedeklara sa CPP at NPA bilang teroristang grupo.
No comments:
Post a Comment