Wednesday, December 13, 2017

Bato SUNOD NA BuCor chief

  

ITATALAGA ni Pangulong Rodrigo Duterte si outgoing Philippines National Police (PNP) Chief General Ronald “Bato” Dela Rosa sa Bureau of Corrections (BoC).
Kinumpirma ito ni Duterte sa Christmas party ng   Malacañang Press Corps.
Sa gitna na rin ito ng una nang napaulat na magreretiro ang PNP chief bago pa man nito maabot ang kanyang mandatory retirement age na 56 sa January 21 sa susunod na taon.
Inaasahang papalit sa kanya si   Deputy Director General Ramon Apolinario, second-in-command ng PNP.
Hindi naman sinabi ni Pangulong Duterte kung kailan niya itatalaga si Gen. Dela Rosa bilang bagong pinuno ng BuCor.
Sinabi ni Dela Rosa na kanyang tinanggap ang alok dahil nakikita niya itong paraan para makatulong sa bansa.
Nauna ring sinabi ni Dela Rosa na bibigyan siya ng Pangulo ng pinakamatinding hamon na posisyon sa gobyerno, kung saan karamihan ay nabigo.
Sa ngayon, officer-in-charge ng BuCor matapos maghain ng kanyang irrevocable resignation si dating Director General Benjamin Delos Santos noong Hulyo 13 dahil sa aniya’y muling pamamayagpag ng droga sa New Bilibid Prisons.

Ang bureau ay pinamumunuan ngayon ni retired Chief Supt. Valfrie Tabian.








No comments:

Post a Comment