Pinalis
ni Task Force Bangon Marawi Chairman Eduardo del Rosario ang pangamba ng mga
taga-Marawi na baka kapusin ang pondong ibinigay ng Senado para sa
rehabilitasyon sa kanilang lugar.
Matatandaang
binigyan lamang ng Senado ng P10 billion ang gobyerno para sa rehabilitasyon sa
Marawi City.
Tantiya
noon ilang lokal na opisyal ng Marawi na baka abutin ng P90 billion ang
kailangang pondo para maitayong muli ang lungsod.
Kinlaro ni Del Rosario na inisyal pa lamang naman ang ibinigay na
P10 billion ng Senado sa Task Force Bangon Marawi at hindi pa naman natatapos
ang ginagawa nilang post-conflict needs assessment (PCNA) o ang pagtukoy sa
kabuuang halagang kailangan sa rehabilitasyon.
Aniya, sa sandaling makuha ang report ng PCNA, ipapasok ito sa
local government unit at provincial master development plans, isusumite sa
validation ng National Economic and Development Authority at ito ang maglalabas
ng “final and total comprehensive rehabilitation and reconstruction plan.”
May
nakalaang hiwalay na pondo ang gobyerno para maidagdag
sa rehabilitation plan sa Marawi kung kukulangin ang inisyal na P10 billion.
Kailangan lamang hilingin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa
Department of Budget and Management na magpalabas ng dagdag na pondo at wala
naman daw magiging problema rito.
No comments:
Post a Comment