Bilang bahagi ng
programa ng ahensiya, inilunsad ng
Department of Education (DepEd) ang Oplan Kalusugan.
Sinabi ni Education Secretary Leonor Briones, layon ng
programa na matiyak na mabibigyan ng primary health at dental care ang mga
estudyante para mailabas ang kanilang potensiyal sa pag-aaral.
Tututukan din aniya ng
programa ang lahat ng DepEd school health personnel at mga estudyante na
simulan ang mas malusog na kaugalian.
Makikipag-ugnayan
din ang mga personnel at estudyante sa
mga health providers at local government units (LGUs) para sa serbisyong
pankalusugan.
Magsisimula ang implementasyon ng programa sa Hulyo ng school
year 2018-2019.
No comments:
Post a Comment