MILITAR HANDA SA NPA ANNIV ATTACK
TODO paghahanda ang ginagawa
na ang mga sundalo na nasa mga probinsya ng Pangasinan, Nueva Vizcaya, at Nueva
Ecija sa posibleng pag-atake ng New People’s Army (NPA) sa ika-49 na
anibersaryo ng Communist Party of the Philippines (CPP) sa Disyembre 26.
Sa nakalap na ulat, ipinabatid
ni Lieutenant Colonel George Bergonia,
commanding officer ng 84th Infantry Battalion sa San Jose City, Nueva Ecija,
bagaman nagtatago ang mga NPA kasunod ng pagdedeklara ni Pangulong Rodrigo
Duterte sa mga armadong komunista bilang mga terorista, ay hindi malayong
maglunsad pa rin ang mga ito ng pag-atake para sa anibersaryo ng CPP.
Mayroon umanong dalawang grupo
ng NPA na dating nasa bulubundukin ng Caraballo at isa sa mga ito ang may
operasyon sa silangang Pangasinan. Namataan ang mga miyembro nito sa liblib na
barangay sa bayan ng Umingan, San Quintin, Natividad, at San Nicolas.
Matapos mapatay ang siyam sa
mga miyembro nito, kabilang ang kanilang pinuno na si Joe Managan alyas Ka
Razul, ay nabuwag na ang naturang grupo.
Nabuo ang CPP noong December 26, 1968 sa isang liblib na
barangay sa Alaminos City, Pangasinan.
No comments:
Post a Comment