Pinakilos na ng Department of Social Welfare and Development
(DSWD) ang disaster response cluster bilang paghahanda sa bagyong Urduja na
nananalasa sa Samar.
Ayon kay DSWD officer-in-charge Emmanuel Leyco, may nakaantabay
nang 368,000 na family food packs na nagkakalahaga ng P223 million.
May mga food at non-food items
din na nagkakahalaga ng P393 million ang naka-standby pa.
Maliban dito, sinabi ni
Leyco na mayroon ding nakaantabay na P245 million pondo sa Central Office at sa
mga Field Offices na agad na ipalalabas sakaling kailanganin na.
No comments:
Post a Comment