BINIGYANG-DIIN
ni Department of Transportation (DOTr) Sec. Arthur Tugade na magpapatuloy pa
rin ang jeepney modernization program ng pamahalaan sa kabila ng pagtutol ng
iba’t ibang mga transport groups.
Aniya, hindi nila ipatitigil ang planong modernisasyon sa mga
jeepney, alinsunod sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Noong Disyembre 4-5, nagkasa ng nationwide transport strike ang mga
grupong Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) at
ang No to Jeepney Phaseout Coalition mula Disyembre 4-5.
Ang
planong tigil-pasado kahapon at ngayon ay kinansela dahil na rin sa ipinangako
ni Sen. Grace Poe na bibigyan sila ng pagkakataon na marinig ang kanilang panig
sa Senate hearing sa Disyembre 11, mula sa dating iskedyul nito na Disyembre 7.
No comments:
Post a Comment