Thursday, December 21, 2017

DE LIMA, MAARING TUMANGGAP NG BISITA SA PASKO AT NEW YEAR


      
Pinayagan ng Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Camp Crame na tumanggap si Senador Leila de Lima ng bisita  sa bisperas ng Pasko at Bagong Taon.
Kinumpirma ng opisina ng senador na maaaring tumanggap ng mga bisitang kamag-anak si De Lima sa Disyembre 24 hanggang ala-1 ng madaling araw ng Disyembre 25 at sa mismong araw ng Pasko mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.
Maaari ring tumanggap ng bisita si De Lima mula bisperas ng Bagong Taon hanggang ala-1 ng Enero 1 at maaari rin silang bumalik ng alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.
Magugunitang naghigpit ang Custodial Center sa mga bisita ni De Lima kung saan ilang beses nang hindi pinayagan makapasok ang ilan dito.
Kabilang   dito ang mga kaalyado ni De Lima at maging mga international human rights advocates.
Hindi rin umano pinapayagan ang   pagpasok ng mga printed Facebook at Twitter messages ay hindi rin umano pinapayagan.
Si De Lima ay nakulong matapos akusahan ng pakikisosyo sa kalakaran ng ilegal na droga sa loob ng New Bilibid Prison upang tustusan ang kaniyang kandidatura sa Senado.
Itinangi ito ni De Lima at sinabing ginigipit lamang siya ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa pagtuligsa niya sa kontrobersiyal na giyera kontra droga.

 

No comments:

Post a Comment