TYPE ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senador Manny
Pacquiao na maging susunod na pangulo ng bansa.
Kasabay ito ng
pagdalo ng chief executive sa ika-39 na taong kaarawan ni Pacquiao kagabi, na
idinaos sa isang mall dito sa lungsod.
Nagustuhan vumano
ni Pangulong Duterte ang istilo ng serbisyo ni Pacquiao kaya nais niya itong
maging susunod na Philippine president.
Hindi ito ang
unang pagkakataon na sinabi ng Pangulo na nais niyang maging presidente ng
bansa ang fighting senator.
Hindi maikakaila, ayon sa pangulo, na malaki ang naiambag na
karangalan ni Pacquiao sa Pilipinas dahil sa pagiging world champion nito at sa
mga tagumapay na nakamit sa larangan ng boxing.
Marapat lamang aniya na gayahin ang determinasyon at kababaang
loob ni Pacquiao.
Hindi aniya dapat na sumuko at mawalan ng pag-asa ang mga Pinoy
dahil gaya ni Pacquiao napagtagumpayan nito na lagpasan ang kahirapan.
Nauna
nang sinaibi ng pangulo na gusto niya ring maging pangulo ng bansa si Grace Poe
kung maamyendahan ang Saligang Batas para sa mga foundling.
No comments:
Post a Comment